Balita

Benilde vs Arellano sa ‘do-or-die’

- Marivic Awitan

Mga Laro sa Martes (FilOil Flying V Center) 10 n.u. -- EAC vs Letran (jrs) 12:00 n.t. -- Perpetual vs Arellano (jrs.) 2:00 n.h. -- St. Benilde vs Arellano (m)

MAGTUTUOS ngayong hapon para sa karapatang makaharap ang University of Perpetual Help sa men’s volleyball best of three finals ang defending champion College of St. Benilde at second seeded Arellano University sa ikalawang stepladder semifinala match sa NCAA Season 93 volleyball tournament sa FilOil Flying V Center sa San Juan.

Nakamit ng fourth seed Blazers ang karapatang makaduwelo ang Chiefs pagkaraang gapiin ang third seed San Beda College sa loob ng limang sets sa unang stepladder match noong nakaraang Huwebes.

Tatangkain ng Blazers na makakuluso­t sa kanilang ikalawang sunod na knockout game upang patuloy na buhayin ang tsansang maidepensa ang titulo.

Mauuna rito, magsisimul­a ang dalawang Final Four matches sa juniors division kung saan kapwa hangad ng topseed at defending champion University of Perpetual Junior Altas at second seed Emilio Aguinaldo College -Immaculate Concepcion Academy na maitakda ang pagtutuos sa finals.

Parehas na may twice-to-beat advantage, kinakailan­gan lamang ng isang panalo ng dalawang koponan upang pumasok ng Finals, ang UPHSD kontra Arellano Braves sa ikalawang laban ganap na 12:00 ng tanghali at ang Brigadiers kontra Letran Squires sa unang laro ganap na 10:00 ng umaga.

 ?? RIO DELUVIO ?? Nagawang ma-saved ni Michelle Cobb ng La Salle ang bola kahit halos magkandaba­luktot ang katawan sa isang tagpo ng kanilang laro laban sa University of the Philippine­s nitong Sabado sa UAAP Season 80 women’s volleyball championsh­ip sa Filoil Flying V...
RIO DELUVIO Nagawang ma-saved ni Michelle Cobb ng La Salle ang bola kahit halos magkandaba­luktot ang katawan sa isang tagpo ng kanilang laro laban sa University of the Philippine­s nitong Sabado sa UAAP Season 80 women’s volleyball championsh­ip sa Filoil Flying V...

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines