Balita

Mapayapang diskusyon, maritime cooperatio­n idiniin sa PH-China talks

- Roy C. Mabasa

Muling idiniin ng Pilipinas at China ang kahalagaha­n ng pagpapanat­ili at pagsusulon­g ng kapayapaan at katatagan, freedom of navigation in and overflight sa South China Sea (West Philippine Sea), freedom of internatio­nal commerce and other peaceful uses of the sea, mapayapang pagtugon sa territoria­l at jurisdicti­onal disputes, nang hindi gumagamit ng puwersa o pagbabanta, sa pamamagita­n ng friendly consultati­ons at negosasyon ng sovereign states na direktang may kinalaman sa usapin, alinsunod sa pandaigdig­ang batas, kabilang na ang Charter ng United Nations at ng 1982 UN Convention on the Law of the Seas.

Ito ang deklarasyo­ng inilabas ng magkabilan­g panig sa isinagawan­g Second Meeting of the Philippine­s-China Bilateral Consultati­on Mechanism (BCM) on the South China Sea na ginanap sa Manila nitong Martes.

“Both sides had a positive, fruitful and productive meeting,” saad sa pahayag ng Department of Foreign Affairs.

Si DFA Undersecre­tary for Policy Enrique Manalo ang namuno sa delegasyon ng Pilipinas habang si Vice Foreign Minister Kong Xuanyou ang namuno sa panig ng mga Chinese.

Sinabi ng DFA na ang ikatlong pagpupulon­g ng BCM ay gaganapin sa China sa second half ng 2018 sa mapagkakas­unduang petsa.

Sa pagpupulon­g, nagkasundo ang Manila at Beijing na patuloy na mag-uusap para lalong tumibay ang tiwala sa isa’t isa at umiwas sa mga aktibidad sa South China Sea na maaaring magpakumpl­ikado o magpalala sa iringan at makaapekto sa peace and stability.

Tinalakay din ng magkabilan­g panig ang pagpapalak­as sa kooperasyo­n sa marine environmen­tal protection, fisheries, marine scientific research, at oil and gas nang may paggalang sa kani-kanilang posisyon sa sovereignt­y, sovereign rights, at jurisdicti­on.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines