Balita

Pamilya ng napatay na pulis, walang ayuda

- Martin A. Sadongdong

Sinimulan na kahapon ng Philippine National Police-Internal Affairs Service (PNP-IAS) ang imbestigas­yon sa pulis na napatay at sinasabing suspek sa tangkang pananamban­g sa isang abogado sa Quezon City, nitong Martes.

Sinabi ni PNP-IAS deputy inspector Gen. Leo Angelo Leuterio na walang makukuhang benepisyo sa pagkapulis si PO1 Mark Ayeras, at hindi rin makatatang­gap ng ayuda ang kanyang pamilya.

Si Ayeras ay isa sa tatlong motorcycle-riding gunmen na nangambush kay Atty. Argel Cabatbat sa panulukan ng East Avenue Road at EDSA northbound, dakong 12:30 ng madaling araw.

Huling nakatalaga si Ayeras sa National Capital Region Police Office (NCRPO)-Regional Public Safety Battalion at naging AWOL (absent without official leave) noong Agosto 2017.

“The investigat­ion on that cop is already on-going but initially, he has no existing criminal records,” ani Leuterio.

Karaniwang nakatatang­gap ng mga benepisyo ang mga napapatay na pulis, kabilang ang burial assistance at tulong pinansiyal para sa naulilang pamilya.

“However, even with his death, he will not be given benefits, including his family, because he did a dishonorab­le way of getting out of the service,” paliwanag ni Leuterio.

Nabatid na si Ayeras ang backrider ng isa sa mga motorsiklo­ng ginamit ng mga suspek, subalit minalas na nabaril at nasagasaan ng itim na Montero (conduction sticker B1S951) na sinasakyan ni Cabatbat kasama ang kanyang driver at dalawa pang lalaki.

Nasagasaan din ng Montero ang isa pang suspek na si John Paul Napoles, na mag-isang sakay sa motorsiklo­ng walang plaka, habang nakatakas ang ikatlong suspek.

Tiwala si Cabatbat na ang tangkang pananamban­g ay may kaugnayan sa kanyang trabaho bilang abogado.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines