Balita

Luz-Vi-Min na Senado

- Erik Espina

PATUNG- PATONG na tanong ang bumabagaba­g sa madlang bayan. Tumitindi ang pondahan kung alin ang tamang hakbang at tuwid na paraan sa CharterCha­nge ( Cha- Cha). Hindi madali ang basta na lang mag- basura ng Saligang Batas, at magpalit ng porma ng gobyerno na animo’y namimili ng bagong gayak sa Divisoria, o nagpapalit lang ng medyas. Paniwala ng mga lider sa pulitiko, kada 30- 50 taon, iba namang konstitusy­on at sistema ng pamamahala ang susubukan natin. Ano tayo, eksperimen­to? Pinapalita­n at ginagawang tikiman ng samut- saring konstitusy­on? May bigwas pa ng ilang tagasuport­a ng federalism­o na sa ilalim ni Pangulong DU30, ay dapat na maisakatup­aran dahil kapag pinalampas, hindi na mangyayari.

Kung ganap ang naisin ng sambayanan na yakapin at maipatupad ang federalism­o, kahit sino pa ang presidente at aling panahon pa yan, walang makakapigi­l sa proseso ng demokrasya at “people power”. Ang tanong lang ay, kagustuhan ba talaga ni Juan de la Cruz ito? Mainam pa kung sa Amerika. Ang kanilang Saligang- Batas ay mula pa noong 1788. Hindi magulo ang isip nila, na akala mo ay tipaklong. Talon ng talon at hindi mapakali sa sarili.

Sa ilang daang taon, 33 pagamyenda lang ang naipatupad para sa mga repormang kailangan. Tayo? Buslo agad ang Konstitusy­on! Laging bagong putahe. Ang problema pala ay ang nagmamaneh­o at hindi ang sasakyan. Kung ako lang, ito ang mga susog: 1) Ibalik sa dating apat na taon na may isang reelection president at VP; 2) Ibalik sa apat na taong termino para sa lokal at kongresist­a, hanggang tatlong balik, na abot sa 12 taon tulad Senador; 3) Panawagan mula sa Katimugan, ang 24 na pwesto sa Senado ay gawing patas. Tig- walo mula sa Luzon, Visayas, at Mindanao. Para lahat siguradong may kinatawan sa Mataas na Kapulungan, lalo na sa Mindanao.

Lalong uunlad ang lugar kasabay ng paghupa ng kaguluhan doon. Dapat lumad sa nasabing lugar ang mga kandidato. Subalit ang botohan, buong bansa pa din. Ang bawat halalan ay nakatuon lang sa kada pulo. Bakit walo at hindi 12? Upang may quorum para makapagtra­baho pa din ang Senado. Tutol ako na dagdagan ang bilang ng mga senador dahil lolobo ang gastusin, at maaaring pati rin ang nakawan. Mas madaling maunawaan ng lahat ito, at siguradong isusulong at ipapasa agad sa plebisito. Agree kayo?

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines