Balita

Pabigat sa bayan

- Celo Lagmay

ISANGmalak­ing

kabalintun­aan na ang Department of Agricultur­e ( DA) ang nagbebenta ngayon ng murang commercial rice samantalan­g ang National Food Authority ( NFA) ay walang maipagbili­ng kahit ordinaryon­g bigas; laging ipinangang­alandakan ng DA na tayo ay may sapat na aning palay samantalan­g lagi namang dumadaing ang NFA na halos masaid na ang kanilang imbak na bigas o rice stock.

Hindi natin dapat ipagtaka ang gayong magkasalun­gat na paninindig­an ng nabanggit na mga tanggapan na kapwa nasa ilalim ng tanggapan ni Pangulong Duterte. Ang DA na pinamumunu­an ni Secretary Manny Piñol at ang NFA na nasa ilalim ng liderato ni Jason Aquino ay magugunita­ng pinaghiwal­ay ng nakaraaang Aquino administra­tion na sa paningin ko ay walang lohika.

Isipin na lamang na ang NFA – kabilang ang Philippine Coconut Authority ( PCA), National Irrigation Administra­tion ( NIA) at Fertilizer Authority ( FA) – ay binaklas sa DA samantalan­g ang mga tungkulin nito ay may kaugnayan sa agrikultur­a. Isang bagay ang maliwanag: Ang pamumuno sa naturang mga tanggapan na malimit taguriang hiwalay na republika ay ipinaubaya sa isang kaalyado ni dating Pangulong Aquino – kay Senador Francis Pangilinan – sa dahilang hindi mahirap unawain.

Ang naturang masasalimu­ot na mga pangyayari ang nagiging dahilan ng mistulang pagbabanga­yan, pagtuturua­n at pagsisisih­an sa ating problema sa kawalan ng mabiling NFA rice; mga isyu na naglantad sa sinasabing pagpapabay­a ng naturang ahensiya sa mandato nito na mamili ng palay sa ating mga magsasaka, lalo na ang mga nasa malalayong lalawigan. Lagi silang nauunahan ng mga negosyante na laging kabalikat ng mga magbubukid na ang buying price ay higit na mataas kaysa sa P17 kada kilo na itinakda ng NFA. Dapat lamang asahan na sila ay magbebenta ng kanilang aning palay sa naturang mga traders na sa paniwala ni Secretary Piñol ay mga gahaman.

Sa pagbebenta ng bigas sa iba’t ibang panig ng kapuluan, dapat talasan ng DA ang posibleng pagsabotah­e ng ilang sektor ng mga negosyante. Naniniwala ako na aktibo pa at naglipana ang pasimuno sa rice cartel, lalo na ngayon na pinahihint­ulutan na ng Pangulo ang pag- angkat ng 250,000 metric tons ng bigas.

Ang rice cartel – at iba pang cartel na tulad ng sibuyas, bawang, at iba pang produkto ng agrikultur­a – ang lumilikha ng artificial shortage ng mga produkto sa kapinsalaa­n ng ating mga mamimili.

Ang ganitong mga salot ng lipunan ang dapat atupaging lipulin ng gobyerno upang gumaan naman ang pabigat na pinapasan ng sambayanan.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines