Balita

Copyright lawsuit vs Taylor Swift, ibinasura

-

LOS

ANGELES (Reuters) – Ibinasura ng hukuman nitong Martes ang asunto na nag-aakusa sa singer na si

Taylor Swift ng pagnanakaw ng lyrics ng kanyang awiting Shake It Off, dahil ang kinukuwest­iyong phrases ay hindi sapat ang pagiging orihinal para bigyan ng copyright protection.

Ang 2014 song ni Taylor ay naging No. 1 sa pop charts at naging hudyat ng kanyang evolution mula country patungong pop music.

Sinabi ng dalawang songwriter­s sa copyright infringeme­nt lawsuit na inihain sa federal court sa Los Angeles noong nakaraang taon na ang awitin ni Taylor ay ibinatay sa phrase na “players, they gonna play, and haters, they gonna hate,” na kanilang nilikha para sa 2001 song na Playas Gon’ Play ng R&B girl group na 3LW.

Ang lyrics ni Taylor mula sa chorus ng Shake It Off ay, “the players gonna play, play, play, play, play, and the haters gonna hate, hate, hate, hate, hate.”

Hiniling ng abogado ni Taylor kay U.S. District Judge Michael Fitzgerald nitong Enero na ibasura ang kaso.

“In order for such short phrases to be protected under the Copyright Act, they must be more creative than the lyrics at issue here,” saad sa desisyon ni Fitzgerald.

Hindi inakusahan ng songwriter­s na nagsampa ng kaso kay Taylor - sina Sean

Hall at Nathan Butler - na ninakaw ng awitin ni Taylor ang musical elements, sabi ng judge, at ang phrases tungkol sa players and haters ay nasa pop culture na bago sumapit ang 2001.

“In short, combining two truisms about playas and haters, both well-worn notions as of 2001, is simply not enough,” saad sa desiyon. Binigyan ng pagkakatao­n ng hukom sina Hall at Butler na maghain ng revised lawsuit. Ngunit sinabi ni Gerard Fox, ang abogado ng dalawang songwriter­s, na wala siyang intensiyon na maghain ng amended complaint at sa halip ay iaapela ang desiyon ni Fitzgerald sa 9th U.S. Circuit Court of Appeals. Katwiran ni Fox, nagkamali si Fitzgerald sa pagsusuri sa originalit­y ng lyrics, sa halip na isangguni ito sa mga eksperto. “He cannot make himself an expert in the music industry, I‘m sorry it’s actually embarrassi­ng,” ani Fox. Hindi nagbigay ng komento ang kinatawan ni Taylor. Si Hall ay songwriter at producer ng artists na sina Justin Bieber at Maroon 5, at si Butler ay nakatrabah­o ng Backstreet Boys at ni Luther Vandross. Ang Swedish producer at songwriter na si Max Martin at si Karl Johan Schuster, isa pang Swede na kilala profession­ally bilang Shellback, ang co-writers, kasama ni Taylor sa Shake It Off.

 ?? Taylor ??
Taylor

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines