Balita

Ika-70 labas

- R.V. VILLANUEVA

AKTONG

ini-interbyu si Lagring ng floor manager ng klab na pinag-aaplyan niya bilang hospitalit­y girl.

Ang sabi ng floor manager ay habang gumigiling ka, isalpok-salpok mo sa harap ang katawan mo. Na hindi naintindih­an ni Lagring.

“Siguro naman, iha, ay nakapanood ka na kahit paano ng pelikulang bold,” sabi ng floor manager. “’Yung arte ng lalaki sa kaprtner na babae habang sila ay nakatayo.”

Naunawaan nga ni Lagring ang ibig sabihin ng floor manager. Nakakahiya ang arteng ‘yon, di ba? Pero kailangan niya ang trabaho. At ngayon na ‘yon.

Ginawa ni Lagring ang ipinagawa sa kanya.

“Ayaannn! Ganyaannn!” Nasisiyaha­n ang floor manager. “Kaya mo naman pala, eh.”

Gulat si Lagring. “Magiging dancer ho ako ng paganon ganon lang?”

Sa halip na sagutin ang tanong ni Lagring, nagtanong pa ang floor manager: “E, kaya mo bang maghubad, iha?”

“Ho? Maghuhubad ho?” “Yes. Maghuhubad. Kaya mo?” “Saan ho ako maghuhubad? Sa may mga tao ho ba?”

“Gusto ko ang kainosente­han mo, iha. Pero sa kabila ng iyong pagiging inosente…dapat…marunong ka ring maghubad. At syempre, sa harap ng tao. Maraming tao.”

Hindi kaagad nakakibo si Lagring. Matindi siyang nag-isip. Totoo, naghubad na siya sa harap ng isang lalaki. Pero iyon ay pilit. Pinuwersa siya. Ginahasa! Hindi nga matapos-tapos ang ngitngit niya sa impaktong si Pedring. Impakto, demonyo, bakulaw kang Pedring kaaa!

“Hindi mo na ‘ko sinagot.” May bahid ng inis ang boses ng floor manager. “Narinig mo ba ang tanong ko?”

“Opo…” Sa loob niya: Hindi niya yata kayang maghubad. Pero kaya ba niyang mamatay sa gutom? Lalong hindi.

“Ano ba ang sinagot mo ng opo. ‘Yung kung narinig mo ang tanong ko o ‘yong kaya mong maghubad?”

“Opo. Kaya ko pong maghubad.”

“Sige nga, iha,” Bumait ata ulit ang floor manager. “Sige nga… sampolan mo.”

Hindi siya kumilos. Hindi niya lubos na maintindih­an ang sinabi ng floor manager.

“Ang ibig kong sabihin ng sampolan ay maghubad ka.”

Mabagal ang kilos ni Lagring. Atubili siya sa paghuhubad. Pero hindi niya itinodo ang pag-aalis ng damit. Natira ang bra niya at ang panty. At hindi kayang frontal siya kay floor manager. Medyo tumagilid siya.

“Sinabi kong maghubad ka.” Matindi yata ang inis sa boses ng floor manager. Bakit ang bilis yatang magpalit ng mood ng matandang lalaking ito? “Hubad na ba sa iyo ang ganyan?” “Aalisin ko ho bang lahat, sir?” “Hindi ka ba marunong ng Tagalog? Tagalong naman ‘yong ssinabi ko. Pag sinabi kong hubad, hubad talaga. ‘Yung walang damit. Siguro naman, naiintindi­han mo na ako.” Kaybagal ng kilos ni Lagring. “Bilisan mo naman ang kilos, aba.” Nang maalis na ang lahat ng saplot niya, tinangka pa rin niyang takpan ang nangangail­angan ng takip. Ikinuros niyang pahalukipk­ip ang kanan niyang kamay para matakpan ang kanyang dibdib. Ang kaliwa naman niyang palad ay itinukop niya sa ibabang bahagi, sa pagitan ng mga hita.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines