Tatay Santy, asam ang Ronda ‘immortality’

Balita - - Sports -

LABAN ng isang ama ang misyon ni Santy Barnachea sa kanyang pagsabak kasama ang mga kasangga sa bagong koponan na Team Franzia sa pagsikad ng Ronda Pilipinas 2018 sa pagtataguyod ng LBC sa Marso 3-18 simula sa Vigan City at magtatapos sa Filinvest, Alabang.

Kinailangan ng 41- anyos na si Barnachea na makapanalo sa unang qualifying race ng Ronda sa nakalipas na taon sa Tarlac City. Ito ang unang sabak niya sa aksyon mula sa dalawang taong pahinga.

Target din niyang makopo ang ikatlong korona matapos maging kampeon sa 2011 at 2015 edition.

“I want to show them that I’m not yet done and I will prove that, just like our sponsor Franzia wine, we get better in time,” pahayag ni Barnachea.

Makakasama ni Barnachea sa koponan sina Leonel Dimaano, Jonggo Tabayoyong, Beejay Nojara, Kim Kenneth Krog, Dennis Gabaldon, Alshyrnel Amiladjid at Mervin Corpuz.

“I have a young and very energetic team and we are optimistic of our chances,” aniya.

Ngunit, aminado si Barnachea na mabigat ang laban, higit sa presensya ng matitikas niyang karibal kabilang sina two- time champion Jan Paul Morales ng Navy-Standard Insurance, George Oconer ng Go for Gold, CCN Superteam’s Irish Valenzuela, Army-Bicycology Shop’s Cpl. Cris Joven at Team Bike Xtreme’s Jaybop Pagananawon.

“I’m expecting this race as the toughest for me because I will face younger, stronger opponents. But I hope to make up for it by relying on my experience,” sambit ni Barnachea.

Sa kasalukuyan, tanging si Barnachea ang may dalawang titulo sa kasaysayang ng Ronda na itinataguyod ng LBC at suportado ng MVP Sports Foundation, CCN, Petron, Versa.ph, 3Q Sports Event Management, Inc., Boy Kanin, Franzia, Standard Insurance, Bike Xtreme, SH+, Guerciotti, Prolite, Green Planet, Maynilad, NLEX Cycling, Lightwater, LBC Foundation at PhilCycling.

Tumataginting na P1 milyon ang nakatayang premyo sa team champion sa 12-stage race na sisimulan ng 40kilometer Vigan criterium Stage One sa Marso 3 kasunod ang 155.4km ViganPagudpud Stage Two.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.