Balita

Gabbi, humingi ng bakasyon

- –Nitz Miralles

WALANG formal announceme­nt ang Sunday Pinasaya sa paghingi raw ng two months vacation ni Gabbi Garcia sa show para makapagcon­centrate muna sa studies niya sa MINT College.

Wala si Gabbi sa show last Sunday at kung wala pa rin siya this Sunday (February 18), totoo nga ang tsika na pinayagan siya ng production na magbakasyo­n muna.

Pero tuloy pa rin ang taping ni Gabbi sa Sherlock

Jr., kaya patuloy pa rin siyang mapapanood ng kanyang fans ang fans nina ni Ruru Madrid. Hindi siya puwedeng mawala sa istorya dahil sa pagkawala ni Janine Gutierrez sa show, binibuild up na ang love story nina Jack (Ruru) at Lily (Gabbi).

Habang wala sa Sunday Pinasaya si Gabbi, ipinasok sina Miguel Tanfelix at Bianca Umali at mananatili balita namin, ang kahit bumalik pa sa show si Gabbi, dalawa. Nakikita ng production

na malakas sa fans at viewers ang love team ng dalawa. Samantala, nagre- request ang viewers ng

Sherlock Jr., ng mas maraming action scenes hindi lang kay Ruru kundi pati na sa ibang cast dahil nag-i-enjoy sila sa mga habulan at bakbakan. Ang natatandaa­n namin, nabanggit ni Ruru na marami siyang action sa mga darating na episodes, abangabang lang.

 ??  ??
 ??  ?? Gabbi
Gabbi

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines