Balita

Local officials kakasuhan sa Bora issue

- Jun Fabon at Jun Aguirre

Sasampahan ng kasong administra­tibo ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang lokal na pamahalaan ng Malay sa Aklan kaugnay ng kapabayaan nito, na nagresulta sa paglala ng karumihan ng Boracay Island.

Ito ang banta ng DILG nang hindi pa rin umano gumagawa ng hakbang ang lokal na pamahalaan ng Malay upang mapabilis ang pagresolba sa paglabag ng isla sa environmen­tal laws.

“The Local Government is accountabl­e for the crisis faced by Boracay. They should have enforced environmen­tal laws as well as their own local ordinances. The presence of commercial establishm­ents even beyond the prescribed distance from the coastline would not be possible without building and constructi­on permits issued by the LGU. It is their lookout,” dagdag pa ng kalihim.

Partikular na sisilipin ng DILG chief ang posibleng paglabag ng lokal na pamahalaan sa pag-iisyu ng building permits, occupancy permits at business permits sa kabila ng hindi sumusunod ang mga ito sa batas.

Sa kabila nito, matutuloy pa rin ang pagdaraos ng ‘LaBoracay’ o ang pista ng isla sa Mayo 1.

Ito naman ang tiniyak kahapon ni Department of Environmen­t and Natural Resources (DENR) Regional Director Jimmy Sampluna, na nagsabing pinulong na nito ang mga negosyante sa lugar upang matuldukan na ang usapin sa kalinisan sa isla.

Dalawang buwan, aniya, ang ibinigay niyang palugit sa mga violator sa isla upang sumunod sa kanilang alintuntun­in o pagsunod sa environmen­tal laws upang hindi na tuluyang isara sa turista ang Boracay.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines