Balita

Expelled pumatay ng 17 sa Florida HS

- May ulat nina Genalyn D. Kabiling at Roy C. Mabasa

PARKLAND, Fla. (Reuters) – Isang 19-anyos na lalaking nagbalik sa kanyang dating paaralan sa Florida ang nagpaulan ng baril gamit ang assault rifle nitong Miyerkules, na ikinamatay ng 17 katao, at ikinasugat ng mahigit isandosena­ng iba pa bago siya naaresto, sinabi ng mga awtoridad.

Ang pamamaril sa Marjory Stoneman Douglas High School sa Parkland, isang tahimik na middle-class community may 72 kilometro ang layo sa hilaga ng Miami, ay iniranggon­g second-deadliest act of gun violence ever sa public school campus sa United States.

Nagsimula ang pag-atake ilang sandali bago ang uwian ng mga estudyante.

Sinabi ng federal law enforcemen­t officials na nakasuot ang suspek ng gas mask papasok sa paaralan at may bitbit na rifle, ammunition cartridges at smoke grenades. Hinila nito ang fire alarm, kayat naglabasan sa hallway ang mga estudyante at staff. At doon na niya sinimulan ang pamamaril.

Naaresto ang gunman kalaunan sa isang pamayanan na malapit sa paaralan. Ayon sa CNN, nakihalo sa mga nagtatakbu­hang estudyante ang suspek para hindi makilala ngunit naispatan siya ng mga pulis at inaresto.

Kinilala ang suspek na si Nikolas Cruz, dating estudyante ng paaralan at na-expel dahil sa hindi tinukoy na disciplina­ry reasons, sinabi ni Broward County Sheriff Scott Israel sa news briefing makalipas ang ilang oras.

PH NAKISIMPAT­IYA Nagpaabot ng pakikirama­y ang gobyerno ng Pilipinas sa mga pamilya ng biktima ng huling mass shooting sa US.

“Our hearts reach out to the families of those who lost their lives in this horrible tragedy,” sinabi ni Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano.

“I’d like to reiterate that violence has no place in society. We condole with the families and friends of the victims,” ipinahayag naman ni Presidenti­al Spokesman Harry Roque sa news conference sa Palasyo kahapon.

Ayon sa Philippine Embassy sa Washington DC, wala silang natanggap na anumang ulat na may miyembro ng Filipino community na kabilang sa namatay sa pamamaril.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines