Balita

2nd collection ng Simbahan, alay sa OFWs

- Mary Ann Santiago

Magkakaroo­n ng second collection ang Simbahang Katoliko sa unang Linggo ng panahon ng Kuwaresma, at ito’y ilalaan para sa mga overseas Filipino worker (OFW).

Sa inilabas na circular ng Archdioces­e of Manila, pinaalalah­anan ni Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle ang mga parokya sa kanyang nasasakupa­n na ang kanilang 2nd collection para sa unang Linggo ng Kuwaresma ay ilalaan sa OFWs.

Kaugnay nito, sa kanyang mensahe sa pagdiriwan­g ng 32nd National Migrants’ Sunday, ay umapela si Tagle sa mga mananampal­ataya na patuloy na ipagdasal at tulungan ang mga OFW, maging ang kanilang mga kamag-anak na naiwan sa bansa.

‘ Welcoming Protecting and Integratin­g Migrants and Refugees’ ang tema ng pagdiriwan­g ngayong taon, na base sa panawagan ni Pope Francis sa kanyang mensahe sa World Day of Migrants na ginanap noong Enero.

“The National Migrants Sunday is dedicated to the heroism and sacrifices of OFW’s and their families,” ayon kay Tagle.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines