Balita

Ilang kalsada sa Binondo, sarado

- Mary Ann Santiago

Nagpatupad ang Manila District Traffic Enforcemen­t Unit ( MDTEU) ng traffic rerouting scheme at isinara ang ilang kalsada, bilang pagbibigay­daan sa pagdiriwan­g ng Chinese New Year sa Maynila ngayong Biyernes, Pebrero 16.

Batay sa abiso ng MDTEU, ganap na 11:00 kagabi ay sarado na sa mga motorista ang Reina Regente Street sa Binondo, mula sa Soler Street patungong Plaza Ruiz.

Lahat umano ng sasakyan na magmumula sa Jose Abad Santos Street ay kailangang kumaliwa sa Claro M. Recto Avenue patungo sa kanilang destinasyo­n.

Ang mga sasakyan namang manggagali­ng sa Jones Bridge ay kailangang kumanan papuntang Ongpin Street, o kaya ay dumiretso papuntang Juan Luna Street patungo sa kanilang destinasyo­n.

Lahat naman ng sasakyan na daraan sa eastbound ng Soler Street patungong Plaza Ruiz ay pinayuhang kumaliwa papuntang Reina Regente, diretso sa Arranque Market, hanggang sa makarating sa kanilang patutunguh­an.

Dapat namang kumanan sa Reina Regente ang mga tatahak sa westbound ng Soler Street patungong Plaza Ruiz, papunta sa kanilang destinasyo­n.

Ayon sa MDTEU, layunin ng patakarang ito na siguraduhi­n ang kaligtasan ng mga dadalo sa pagdiriwan­g ng Chinese New Year, na pangunguna­han ni Manila Mayor Joseph ‘Erap’ Estrada.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines