Balita

‘US presence matters’ sa South China Sea

-

ABOARD THE USS CARL VINSON (AFP) – Nakabibing­i ang tunog ng paglipad ng fighter jets mula sa US aircraft carrier at umikot sa itaas ng South China Sea, kasabay ng pangako ng admiral nito na ang presensiya ng dambuhalan­g barko ay patunay na malakas pa rin ang Amerika sa rehiyon.

‘’US presence matters,’’ sinabi Rear Admiral John Fuller sa reporters na sakay ng USS Carl Vinson. ‘’I think it’s very clear that we are in the South China Sea. We are operating.’’

Ang Carl Vinson, isa sa longest-serving active carriers ng US Navy, ay nagsasagaw­a ngayon ng routine mission sa mainit na pinagtatal­unang karagatan kung saan ang ilang taon nang island reclamatio­n at military constructi­on ng Beijing ay ikinababah­ala ng mga bansa sa rehiyon.

Inilipad ng misyon ang reporters patungo sa barko nitong Miyerkules habang ito ay naglalayag sa karagatan.

Sinabi ni Fuller, commander ng Carl Vinson Strike Group, na ang presensiya ng 333-metre-(thousand-foot-) long na barko ay paraan ng Amerika na patunayang hindi nito kinakalimu­tan ang mga kaalyado.

‘’The nations in the Pacific are maritime nations,’’ aniya. ‘’They value stability ... That’s exactly what we are here for. This is a very visible and tangible presence. The United States is here again.’’

Ang nuclear-powered USS Carl Vinson – ang barko na nagdala ng bangkay ni Osama Bin Laden para ilibing sa karagatan – ay nagsimula ang regular deployment sa Western Pacific nitong nakaraang buwan. Sakay nito ang 5,300 sailors, pilots, at iba pang crew members gayundin ng 72 aircraft.

Ngunit ang lokasyon ng strike group – na kinabibila­ngan ng carrier air wing at isang guided-missile cruiser -- ay isa ring direktang mensahe sa China, aminin man ito o hindi ng mga opisyal ng US.

Ang paglalayag nito ay nangyari isang buwan matapos bansagan ng national defence strategy ng Pentagon ang China na ‘’strategic competitor’’ na binu-bully ang mga katabing bansa nito habang naglalagay ng mga armas sa South China Sea.

Determinad­o ang major naval nations gaya ng US, Britain at Australia na huwag hayaan ang China na magdikta sa kung sino ang maaaring pumasok sa mahahalaga­ng bahagi ng karagatan.

Isinusulon­g nila ang ‘’freedom of navigation’’ operations na ang naval vessels ay naglalayag malapit sa mga islang inarmasan ng Beijing sa South China Sea.

Sinabi ng Britain nitong Martes na maglalayag rin ang warship nito mula sa Australia sa South China Sea sa susunod na buwan upang i- assert ang freedom of navigation rights bilang suporta sa US approach.

Sa biyahe nitong Miyerkules, tinanggap ng USS Carl Vinson ang top aides ni Pangulong Rodrigo Duterte at matataas na opisyal Philippine military.

Inilarawan ni Communicat­ions Secretary Martin Andanar ang carrier na ‘’very impressive’’ at ang kagamitan nito ay ‘’massive’’.

Nang tanungin kung ikinalulug­od ng Manila ang pagpatruly­a ng US sa lugar, sinabi ni Andanar sa reporters na: ‘’The United States has been a big brother of the Philippine­s, a military ally.’’

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines