Balita

Zuma nagbitiw na

-

JOHANNESBU­RG (Reuters) – Nagbitiw si Jacob Zuma bilang President ng South Africa nitong Miyerkules, atubiling sinunod ang kautusan ng namumunong African National Congress (ANC) na wakasan na ang siyam na taon niyang termino na puno ng eskandalo.

Sa 30-minutong farewell address sa nasyon, sinabi ng 75-anyos na si Zuma na hindi siya sang-ayon sa anumang paraan ng pagbraso sa kanya ng ANC para umalis nang maaga matapos mahalal si Cyril Ramaphosa bilang pangulo ng partido noong Disyembre, ngunit tatanggapi­n niya ang kautusan.

“I have therefore come to the decision to resign as president of the republic with immediate effect,” ani Zuma. “Even though I disagree with the decision of the leadership of my organizati­on, I have always been a discipline­d member of the ANC.”

Sa kanyang pagbibitiw ay natapos ang karera ng dating anti-apartheid resistance fighter, na may apat na asawa, matalas ang dila at ilang dekadang kasaysayan ng pagkakasan­gkot sa mga eskadalo na humati sa “Rainbow Nation” ni Nelson Mandela.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines