Balita

NPD stations negatibo sa antuking parak

- Orly L. Barcala

Nagkasa ng sorpresang inspeksiyo­n si National Capital Regional Regional Office (NCRPO) Director Oscar Albayalde sa mga istasyon ng pulis sa Valenzuela City, Malabon City at Navotas City, laban sa mga pulis na natutulog sa duty.

Nitong hatinggabi ng Miyerkules, unang ininspeksy­ion ni Albayalde ang Police Community Precinct ( PCP) 5 sa Valenzuela Police, na kahit walang naabutang natutulog ay isang babaeng pulis lang ang kanyang nadatnan.

Hindi umano nagalit ang NCRPO chief, dahil rumesponde naman umano ang mga pulis sa PCP5, na pinamumunu­an ni Insp. Josephine Dalumpines.

Sunod namang tinungo ni Albayalde ang PCP 1 at naabutan niyang gising ang mga pulis, gayunman, napansin ng opisyal na madilim ang presinto, kaya nagbigay siya ng direktiban­g lagyan ng ilaw ang pasilidad.

Dumiretso ang NCRPO chief sa PCP 9, kung saan wala rin siyang inabutang tulog.

Pinakahuli­ng pinuntahan ni Albayalde ang PCP 4 ng Navotas Police, at natuwa siya nang datnan sa presinto ang hepe na si Senior Supt. Abrent Madjaco.

Nagalak din umano si Albayalde dahil bukod sa walang tulog na pulis, nakaunipor­me ang mga ito.

Nanindigan naman ang opisyal na dapat paghigpita­n ang mga pulis, bilang tugon sa pagtaas ng kanilang mga suweldo.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines