Balita

Obrero pinagtulun­gan ng mga asar-talo

- Dhel Nazario

Agaw-buhay ngayon ang isang constructi­on worker matapos siyang bugbugin at saksakin ng tatlong lalaki na napikon umano sa kanyang pang-aasar sa Pasay City, kahapon ng madaling-araw.

Nakaratay ngayon sa ospital si Joemari Tamayo, ng Barangay 191, Zone 20, Pasay dahil sa natamong saksak sa ulo, mukha at katawan.

Arestado naman ng pulisya ang mga suspek, ang mag-asawang Danilo Beronibla, 58; at Siony Beronibla, 54; at si Carlo Laila, 19, pawang residente sa nabanggit na barangay.

Ang insidente, ayon sa pulisya, ay naganap dakong 12: 15 ng hatinggabi sa tapat ng bahay ng mga suspek.

Lasing umano ang biktima at habang dumadaan sa lugar ay sinasabing nagsalita ng hindi maganda laban sa mga suspek, na nagalit at nagresulta sa pananaksak sa kanya.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines