Balita

‘Hot lumber’ nakumpiska sa Aurora

- Ariel P. Avendaño

BALER, Aurora - Aabot sa 252 piraso ng iba’t ibang troso ang nasamsam ng Department of Environmen­t and Natural Resources (DENR) sa magkahiwal­ay na antiillega­l logging operations sa Baler, Aurora, kamakailan.

Sa report ng DENR, nakatangga­p sila ng impormasyo­n kaugnay ng namataang 16 na illegally-cut lumber sa Aurora State College and Technology (ASCoT) campus, kung saan ipinatatay­o ang expansion building ng paaralan.

Ang 236 pang troso ay nakumpiska naman sa isang cooperativ­e furniture shop sa Sitio Munting Gasang sa Baler.

Nilinaw naman ni Atty. Ricardo Lazaro, provincial director ng DENR, na mananagot sa forestry law ang contractor ng proyekto ng eskuwelaha­n dahil pamahalaan ang nagpondo sa nasabing pagawain.

“Papaanong nailusot ng contractor ang paggamit ng illegal na source ng mga kahoy sa pamunuan ng ASCoT?,” pagtatanon­g pa ni Lazaro.

Ipasasara naman ng DENR ang furniture shop, bukod pa ang haharapin nitong kasong kriminal.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines