Balita

Bangkay ng buntis bugbog- sarado

- Leandro Alborote

TARLAC CITY - Matapos ang ilang araw na paghahanap ng mga awtoridad, natagpuan na kahapon ang bangkay ng isang 24-anyos na buntis, sa San Manuel, Tarlac City.

Sa paunang imbestigas­yon ng pulisya, posibleng pinagpapal­o si Quinette Enriquez, ng Barangay Amucao, Tarlac City, dahil sa tinamo nitong mga sugat sa ulo at mukha.

Inilahad ni Jeffrey Aquino, 23, ng Bgy. Cut-Cut 2nd, Tarlac City, na ipinapasto­l niya ang mga alagang kambing nang nadiskubre ang bangkay ng biktima, na pinaniniwa­laang ilang araw nang patay.

Pebrero 4 nang iulat ang pagkawala ng ginang.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines