Balita

Grade 8 student nalunod

- Liezle Basa Iñigo

Isang estudyante sa Grade 8, na kabilang sa siyam na nag-swimming sa Small Water Impounding Project (SWIP), ang nalunod sa Barangay Calamagui West sa Santa Maria, Isabela, nitong Miyerkules ng umaga.

Kinilala ng Sta. Maria Police ang nasawi na si Jerald Ergie Taguinod, 14, estudyante ng Santa Maria National High School, at taga-Bgy. Calamagui West, Sta. Maria, Isabela.

Sa report ng pulisya, nagtungo sa lugar ang binatilyo, kasama ang walong iba pa, para mag-picnic ngunit kalaunan ay nag-dive si Taguinod at malunod.

Natukoy sa imbestigas­yon na dapat na nasa klase ang binatilyo nang oras na nalunod ito.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines