Balita

Lola hinablutan ng tandem

- Liezle Basa Iñigo

MALASIQUI, Pangasinan - Pinag-iingat ngayon ng pulisya ang kababaihan kasunod ng pang-aagaw ng bag ng riding-in-tandem sa isang 60-anyos na babae sa Malasiqui, Pangasinan, nitong Martes ng hapon.

Ayon sa mga tauhan ng Malasiqui Police, nagreklamo si Lydia Terrado, 60, laban sa dalawang suspek na tumangay sa kanyang sling bag, na naglalaman ng P3,000 cash.

Sa salaysay ni Terrado, dakong 2:30 ng hapon at pauwi na siya at naghihinta­y ng masasakyan sa isang waiting shed sa Barangay Taloy nang biglang dumaan ang isang motorsiklo, na lulan ng dalawang lalaki at inagaw ang kanyang bag.

Dahil sa lakas ng pagkakahab­lot sa kanyang bag, napalupasa­y sa kalsada ang matanda, na ikinasugat nito.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines