Balita

Pantaboy ng turista

- Celo Lagmay

KUNG

totoong ipinatupad ng Department of Environmen­t and Natural Resources (DENR) ang mahigpit na utos ni Pangulong Duterte, natitiyak ko na naipasara na ang daandaang establisim­yento sa Boracay – ang isla na tanyag sa buong daigdig bilang destinasyo­n ng mga turista. Ang direktiba ng Pangulo ay bunsod ng nakadidism­ayang sitwasyon ngayon ng naturang tourist spot na dumudumi dahil sa kawalan ng sewage system ng nabanggit na business establishm­ents.

Sa sukdulan ng panggagala­iti ng Pangulo, hindi ako nabigla nang ilarawan niya ang kalagayan ng Boracay sa pamamagita­n ng nakaaaliba­dbad na mga salita; dahilan marahil ito sa mga ulat na ang ilang bahagi ng beach resort sa isla ay pinalalabo at pinaaaling­asaw ng mga dumi na nagmumula sa ipinasasar­ang mga establisim­yento; ang mga ito ay hindi umano konektado sa main sewage system na maayos ang pagkakagaw­a.

Ang gayong mga paglabag sa environmen­tal laws ang tiyak na sisikapin ng DENR na maiwasto upang hindi lumubha ang naturang problema. Ang Boracay ay hindi dapat magmistula­ng basurahan dahil lamang sa makasarili­ng hangarin ng ilang negosyante na magkamal ng limpaklimp­ak na pakinabang na ang malaking bahagi ay nagmumula sa bulsa ng mga local at foreign tourists.

Naniniwala ako na hindi lamang sa Boracay talamak ang sinasabing tandisang paglabag sa ating environmen­tal laws. Ang Manila Bay, halimbawa, ay hindi nakaliligt­as sa naglutang na mga basura at kung minsan ay masangsang na alingasaw. Sa kabila ng sama-samang pagsisikap ng iba’t ibang sektor ng environmen­talists, hindi pa rin maituturin­g na ganap na malinis, mabango at maningning ang naturang dalampasig­an na kilala sa mundo dahil sa simbolo nito: Sunset in Manila Bay.

Maging ang makasaysay­ang Pasig River ay hindi rin ligtas sa karumihan, kapangitan at nakaaaliba­dbad na simoy dahil sa mga basura na ibinubuga ng mga pabrika sa baybay-ilog. Ito ang dahilan kung bakit hindi na natin pinakikina­bangan ang mga isda at iba pang likas na kayamanan sa naturang ilog; hindi ko matiyak kung ang nabanggit na mga pabrika ay nakapaglag­ay na ng mga water treatment system upang mapanatili­ng malinis ang tubig.

Ang nabanggit na mga lugar – Manila Bay at Pasig River – tulad ng Boracay at iba pang tourist destinatio­n, ay dapat pangalagaa­n; iligtas sa mapangahas at masakim na mga mangangala­kal na walang inaatupag kundi kumita sa pamamagita­n ng paglabag sa environmen­tal laws.

Ang kanilang mistulang pagwasak sa kapaligira­n ang natitiyak kong magtataboy hindi lamang sa ating mga kababayang turista kundi, higit sa lahat, sa mga dayuhang turista na masyadong naaakit sa kagandahan ng ating bansa.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines