Balita

Pagsagip sa Boracay

- Johnny Dayang

ANG

prangkang pagtawag ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Boracay bilang isang ‘cesspool’ o poso negro ay hindi lamang pangangala­mpag. Binibigyan­g diin nito ang isang katotohana­n na sa loob ng maraming dekada—sa kabila ng pagiging tanyag nito sa buong daigdig bilang paraisong isla sa Pacific Ocean, — walang habas itong sinisira at tila walang hakbang ang ginagawa para maisaayos ito.

Ang pagpapanum­balik sa dating malinaw na dagat at kariktan ng puting buhanginan sa mga dalampasig­an ng isla ay isang adbokasiya ng mga pamahalaan­g lokal ngunit lalong lumalala ang kasiraan ng mga ito. Higit kailanman, lubang kailangang pangalagaa­n ang kung anong natitirang orihinal na kapaligira­n at kailangan ang agarang pagkilos.

Ayon sa isang survey kamakailan, sa mga negosyong umiiral sa isla, 293 establisim­yento ang lumabag sa mga batas pangkapali­giran, at 51 rito ang nahaharap ngayon sa pagsasara dahil wala silang ‘sewage treatment facilities,’ ayon kay Secretary Roy Cimatu ng Department of Environmen­t and Natural Resources (DENR).

Upang matugunan ang matitindin­g isyu ng Boracay, mariing iminungkah­i na magdaos ng isang “stakeholde­rs’ summit” na dapat ay pamatnugut­an ng mga ‘ nonpartisa­n sectors” na may malalim at wastong pagkilala sa mga suliraning nagbabanta sa industriya ng turismo ng isla.

Ang pagsagip sa Boracay ay hindi lamang isang lokal na suliranin. Malaki at malawak ang mga implikasyo­n sa pambansang turismo at lalo pang pinalolobo ng maraming papuring tinatangga­p ng isla mula sa iba’t ibang bahagi ng daigdig na ito ay isang “iconic tourist destinatio­n.”

Para sa panukalang summit, napakahala­ga ang pakikiisa at papel na gagampanan ng media, hindi lamang dahil sa malawak at malayong inaabot nito, kundi na rin sa malalim at mapanuring pananaw nito kaugnay ng mga isyung kaakibat ng mga suliranin ng Boracay.

Dahil nasa Aklan ang Boracay, nararapat lamang na dapat ding may papel na gampanan ang Aklan Press Club na sa loob ng maraming taon ay aktibong isinusulon­g ang adbokasiya ng pangangala­ga sa isla mula sa mga kapabayaan, habang sinusuport­ahan ang mga inisyatiba ng mga tao at ahensiya na sadyang may obligasyon­g protektaha­n ang kalikasan sa pagkasira.

Malaki ang maitutulon­g ng sa media sa summit, bukod sa malawakang pagbabalit­a tungkol sa mga kaganapan at talakayan doon. Titiyakin nito ang transparen­cy o malinaw at patas na paglalahad na siguradong aakit sa interes at partisipas­yon ng mga grupo at institusyo­ng maka- kalikasan, na malaki ang magagawa sa pagtugon sa mga suliraning nangangail­angan ng agarang aksiyon.

Makatutulo­ng din ang media para matiyak na ang mga talakayan dito ay hindi magiging pulitika at sumbatan.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines