Balita

14 uod nahila sa mata ng babae

-

NEW

YORK (AP) – Isang babae sa Oregon na may lumalabas na mga uod sa kanyang mga mata ang unang human case ng parasitic infection na ikinakalat ng langaw.

Labing- apat na maliliit na uod ang natanggal mula sa kaliwang mata ng 26-anyos na babae noong Agosto 2016. Iniulat ng scientists ang kasong ito nitong Lunes.

Si Abby Beckley ay nasuri noong Agosto 2016 na may Thelazia gulosa. Isa itong uri ng uod sa mata na makikita sa mga baka sa hilaga ng United States at katimugan ng Canada, ngunit ngayon lamang nasuri sa tao.

Ikinakalat ang mga ito ng “face flies” na nabubuhay sa luha na naglalangi­s sa eyeball, sabi ng scientists.

Bago masuri sa sakit, nag- horseback riding at namingwit si Beckley sa Gold Beach, Oregon, isang coastal, cattle-farming area.

Pagkaraan ng isang linggo ay nagkaroon siya ng eye irritation at may nahilang uod sa kanyang mata. Sa loob ng mahigit dalawang linggo ay nakahila ang mga doktor ng 13 pa. Wala nang nakitang sintomas sa kanya pagkatapos nito.

Ang eye worms ay makikita sa ilang hayop, kabilang ang mga aso at pusa. Maaari ikalat ang mga ito ng iba’t ibang uri ng langaw.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines