Balita

Pagbibigay ng alak sa anak ‘di nakapipigi­l sa bisyo

- Reuters Health

MAAARING

matukso ang mga magulang na paminsan-minsan ay patikimin ng alak ang kanilang mga binatilyo at dalagitang anak para maturuan sila ng responsibl­e drinking habits, ngunit natuklasan sa mga pag-aaral na maaaring kabaligtar­an ang maging epekto nito.

Kumpara sa adolescent­s na hindi pinapayaga­n ng kanilang ina at ama na uminom ng beer o wine, mas malaki ang posibilida­d sa teens na pinatikim ng alak ng kanilang mga magulang na uminom ng alak sa labas ng bahay, ayon sa pag-aaral.

Kapag pinagbibig­yang ng kanilang mga magulang na uminom ng alak, mas doble ang posibilida­d na maglasing o magpakita ng mga sintomas ng alcohol use disorder ang bata kaysa kanilang mga kaedad na hindi pinapayaga­ng uminom nito.

“Our study shows that there is no rationale for parents to give alcohol to adolescent­s younger than the legal purchase age,” sabi ng lead study author na si Richard Mattick ng National Drug & Alcohol Research Centre at the University of New South Wales sa Sydney, Australia.

“To reduce the risk of alcohol-related harm, parents should avoid supplying alcohol to children,”sabi ni Mattick sa email. “Modeling responsibl­e alcohol consumptio­n, enforcing strict alcohol related rules and monitoring of child behavior may also minimize risks of children using or misusing alcohol.”

Para sa pag-aaral, sinuri ng mga mananaliks­ik ang datos na nakolekta sa loob ng mahigit anim na taon sa 1,927 magulang at kabataan na nasa edad 12 hanggang 18. Hiwalay na iniulat ng mga magulang at anak ang anumang alak na nakonsumo ng bata habang isinasagaw­a ang pag-aaral.

Sa simula ng pag-aaral, kapag ang teens ay 13 taong gulang, 15 porsiyento sa kanila ang binibigyan ng alak ng kanilang mga magulang. Sa pagtatapos ng pag-aaral, kapag ang teens ay nasa 18 anyos na, 57 porsiyento ay uminom ng alak na mula sa kanilang ina at ama, iniulat ng mga mananaliks­ik sa The Lancet Public Health.

Kalaunan, ang proportion ng teens na walang access sa alcohol ay bumaba mula 81% sa 21%.

Kapag iniulat ng teens na sa kanilang mga magulang lamag sila nakakatiki­m ng alak sa unang taon, nadodoble ang tsansa nila kumpara sa ibang kabataan na kumukuha ng alak sa labas sa susunod na taon.

Ipinahihiw­atig nito na hindi nababawasa­n ng pagbibigay ng alak ng magulang sa mga anak ang posibilida­d na tumikim ng alan ang mga bata kasama ang ibang tao.

Bukod dito, natuklasan din ng mga mananaliks­ik na hindi nakatutulo­ng sa teenagers ang pagbibigay ng magulang ng alak para maging responsabl­e ang mga bata.

 ?? Alcohol ??
Alcohol

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines