Balita

Postpartum depression, posibleng makaapekto sa anak

- Reuters Health

Ang

mga babaeng tumagal ng ilang taon ang postpartum depression ay mas nangangani­b na magkaroon ng depression sa loob ng maraming taon at maaari itong makaapekto sa kanilang mga anak. Lulutang ito bilang behavior problems at itinataas ang panganib ng depression sa kanilang pagbibinat­a o pagdadalag­a, ayon sa isang pag-aaral sa United Kingdom.

Karamihan ng halos 10,000 ina na kasama sa pananaliks­ik ay hindi nagkaroon ng postpartum depression. Nang pagkumpara­hin ang mga babaeng ito, ang mga ina na nagkaroon ng persistent depression ay halos doble ang posibilida­d na magkaroon ng problema ang mga anak sa pag-uugali, natuklasan sa pag-aaral.

Kapag ang mga babae ay mayroong severe, long- lasting depression, mas malaki ng halos limang beses ang tsansa na magkaroon ng behavior problems ang kanilang mga anak pagsapit ng edad na 3.5, halos tatlong beses na posibilida­d sa teenager na anak na humina ang score sa math tests sa edad na 16 at mahigit pitong beses na posibilida­d na magkaroon ng anak na may depression sa edad na 18.

“The study found that when postnatal depression is both persistent and severe, the risk of negative outcomes to children’s developmen­t is raised,” sabi ng senior study author na si Alan Stein, professor ng child and adolescent psychiatry sa University of Oxford.

“Briefer and less severe episodes (the majority) may well not affect child developmen­t,” saad sa email ni Stein.

Sinuri ng mga mananaliks­ik para sa pag- aaral ang datos ng 9,848 ina na nagbuntis noong 1990s. Iniulat ang resulta sa JAMA Psychiatry journal.

“The take- home message is that depression should not be stigmatize­d; it is a real illness with good treatments,” sinabi ni Myrna Weissman ng New York State Psychiatri­c Institute at Columbia University sa New York City at may-akda ng kasamang editorial.

“Get treatment promptly and continuous­ly for as long as is needed.”

 ?? Post Partum ??
Post Partum

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines