Balita

Severe bird flu iniulat sa Ghana

-

PARIS

(Reuters) – Iniulat ng Ghana ang outbreak ng highly pathogenic H9N2 bird flu virus sa isang farm sa timog kanluran ng bansa, ayon sa Paris-based na World Organisati­on for Animal Health (OIE) nitong Miyerkules, binanggit na ang ulat ay mula sa agricultur­e ministry ng Ghana.

Hinawaan at pinatay ng virus ang 4,225 manok mula sa 16,822 sa isang farm sa Dormaa Municipal district malapit sa hanggganan ng Ivory Coast, ayon sa ulat na ipinaskil sa website nito.

Ang nalalabing mga manok ay kinatay lahat.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines