Balita

Ika-71 labas

- R.V. VILLANUEVA

HUBAD

na hubad talaga si Lagring. Pero hindi niya kayang sa ganoong ayos siya nakikita ng floor manager kaya ikinuros niya ang kanang kamay sa kanyang dibdib at ang kaliwang kamay ay itinakip niya sa dapat takpan sa ibabang bahagi ng kanyang katawan.

“O, bakit pa kita pinaghubad kung tatapan mo rin lang?”

“E, kasi po…e kuwan po, a-ano po…”

“P’wede ka bang sumayaw nang nakatakip sa mga lintek na ‘yan ang mga kamay mo?”

Diyoskupo pala! Ibig pa lang sabihin, hubo’t hubad siyang sasayaw sa harap ng mga tao!

Matagal bago siya magsalita: “E, hindi nalang po kaya dancer ang aplayan ko.”

“Kung ayaw mong mag-dancer, di h’wag! Walang pilitan dito. Humpt, punyeta inaksaya mo lang ang oras ko!”

“E, tanggap po ba akong hospitalit­y girl?”

“Hindi…hindiiii!” Halos sumigaw ang floor manager. “Magbihis ka na’t lumayas ka na!”

Hindi alam ni Lagring kung ano ang kanyang gagawin. ‘Yong magutom ka lang, mahirap na. Mas lalo sigurong hindi niya kayang mamatay sa gutom.

Inalis niya ang kanyang mga kamay sa lugar na tinatakpan. Aniya: “Sige po, magdadance­r nalang po ako.”

Lumamig yata muli ang boses ng floor manager: “Humarap ka nga sa ‘kin nang husto, iha.”

Kailangang maging masunurin talaga siya.

Pinakatiti­gan siya ng floor manager. Ganoon din. Sa ilalim ng salamin ito nakasilip. Mas malinaw ba ang mga nito sa gayong paraan? Ang gagong Pedring nga…hindi lang tinitigan. Binaboy! Nilaspatan­gan! Hayup…kahayup-hayupang hayop na Pedring ‘yon!

Pumikit nalang siya habang alam niyan nagpapasas­a sa tingin ang floor manager sa bahay na sa kanilang lugar, masilip lang, ay pumapatay na ang kinauukula­n. Lalo na kung hindi naman talaga payag ang sinilipan. “Ay, inangkupo!” napatili siya. Ang hindi niya alam, habang nakapikit siya, umalis sa upuan nito ang floor manager at nilapitan siya. Naramdaman nalang niya, hinihimas o dinakot ba?

Dumilat siya kasabay ang tili.

“O, bakit ka naman nagulat?” Inis yata uli ang floor manager.

“Kasi po…ano…ano po…kuwan…”

Malakas na naman ang boses at medyo pagigil pa ang floor manager: “Alam mo, babae ka… hindi simabhan ‘tong pinasok mo. hindi ka magmamadre dito. Kung ganyang hinipo lang kita ay natitili ka na…abe’y hindi ka p’wede rito.”

Nasa utak na naman ni Lagring ang sigaw ng kanyang sikmura. Bakit kaya napakahala­ga sa isang tao ang kalam ng kanyang tiyan?

“Teka nga muna,” hindi naaalis ang markadong inis sa mukha ng floor manager. “Magtatraba­ho ka ba talaga rito o hindi?”

“Magtatraba­ho po. Pasens’ya nap o. H-hindi pa lang po siguro ako sanay.” “O, e, kaya mo bang magsanay?” Matagal ang kanyang tango. “O, sige…sige…uumpisahan ko para masanay ka…”

Muli, pumikit lang siya. Naroon na naman kasi ang kamay ng floor manager. Hindi lang hipo ang ginagawa ngayon. Hinihimas-himas, pinipisilp­isil. Pinipindot-pindot. Dinadakotd­akot.

 ??  ??
 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines