Balita

May ibang laban si Boybits

- Ni ERNEST HERNANDEZ

HINDI matatawara­n ang tapang ni Emmanuel ‘Boybits’ Victoria sa hard court. At sa bawat laban, asahang buhos ang lahat sa dating PBA Rookie of the Year – kasama na ang pamato’t panabla.

Ngunit, matapos ang mahigit isang dekada nang lisanin ang pro league, iba pang laban sa buhay ang kasalukuya­ng sinusuung ni Boybits, gayundin ang kanyang mga mahal sa buhay.

Kasalukuya­ng nakikipagl­aban sa buhay ang isa sa pinakamahu­say na point guard na naglaro sa collegiate hanggang sa pro league matapos isugod sa ICU ng San Juan de Dios Hospital. Kamakailan lamang, nasuri ng mga ispesyalis­ta ang karamdaman ni Boybits -- Guillan-Barre Syndrome (GBS) – isang pambihiran­g sakit kung saan inaatake at pinahihina ng virus ang nerve cells ng peripheral nervous system.

Ayon sa nakababata­ng kapatid na si Bing, lumalala ang kalagayan ng kapatid.

“May mga symptoms na maging slower ang recovery daw ni Boy,” pahayag ni Bing.

“Doctor is transparen­t enough to say respirator­y is already damaged too. That is why, within the week or sooner, he will do a tracheosto­my. Aalisin intubation, bubutasan siya sa throat, at nakakabit sa ventilator/ respirator kasi yun ang best supportive care for him in the long run,” aniya. Sa kasalukuya­n, humihinga si Boybits sa tulong ng life support machines.

“Until he can breath on his own ang pagtanggal ng ventilator. Ventilator din ang rehab ni Boy ( re: respirator­y muscles niya). He is still in GBS critical period this week, until next, rough estimate,” aniya.

Nagsimula na ring mapektuhan bunsod ng komplikasy­on ang paningin ni Boybits, gayundin ang respirator­y muscles, upper at lower extremitie­s. Kumakain siya sa pamamagita­n ng ‘tube feeds’.

Mula sa San Beda College hanggang sa Swift Mighty Meaty, Sunkist, at San Miguel Beer sa PBA, napatanyag si Boybits hindi lamang sa angking kagisigan, higit ang talento sa sports na minahal niya ng kanyang buong katauhan.

Sa kasalukuya­n, hinihiling ng pamilya ni Victoria ang panalangin para sa lubusan niyang kagalingan at pinansiyal na tulong para masustinih­an ang malaking halagang kinakailan­gan sa kanyang pang- araw- araw na gamutan.

 ??  ?? krusyal na sitwasyon ang bagong laban sa buhay ni Boybits.
krusyal na sitwasyon ang bagong laban sa buhay ni Boybits.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines