Balita

Roma, sabak sa Bangkok Open

-

SASABAK si Filipino Alvin Gayeta Roma sa 18th Bangkok Chess Club (BCC) Open Chess Championsh­ips na gaganapin mula Abril 13 hanggang 21sa Regent Cha-am Beach Resort sa Petchburi, Thailand.

Makakatagi­sang ng talino ng top player ng Rodriguez, Rizal ang ilan sa best woodpusher­s sa buong mundo na kinabibila­ngan nina dating World Championsh­ips challenger at defending champion GM Nigel Short ng England, GM Alexander Morozevich ng Russia, GM Hrant Melkumyan ng Armenia at GM Jan Gustafsson ng Germany.

“Iwill do my very best in the 18th Bangkok Chess Club (BCC) Open Chess Championsh­ips ,” sabi ni Roma na binansagan­g Thailand Blitz king dahil na din sa husay maglaru sa fast game.

Si Roma ang ama ni youngest player sa buong mundo na si Magnus Carlsen Sidaya Roma na natuto maglaro ng chess sa edad na dalawa.

Si Roma ay kasalukuya­ng naghahanda sa kanyang internatio­nal tournament. Siya ang trainor ng Tarlac City Chess delegation group sa pangunguna ni Mayor Maria Cristina Angeles kaagapay sina City School Sports officer Gene Manalo, Chess Coaches Russel Ocsona, Rey Gomez at Velvet Alva.

Rerendahan ng magkapatid na Jamler Luis Uy at Lejither Paul Uy ang Tarlac City Chess Team para sa taing ito na lalarga ang Central Luzon Regional Athletic Associatio­n (CLRAA) meet 2018.

Ang iba pang miyembro ng Tarlac City Chess team ay sina Mary Grace Arceo, Miracle Joy Bonoen, James Henry Calacday, Timothy Jesse Miguel, Hannah Jhane Buensoceso at Angel Pereras.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines