Balita

La Salle, dumikit sa karibal

-

TULOY ang arangkada ng La Salle sa target na three-peat sa UAAP Season 80 women’s volleyball championsh­ip.

Ginapi ng Lady Spikers ang Far Eastern University Lady Tams, 25- 22, 25- 17, 24- 26, 2325, 15- 7, para mapanatili ang malinis na karta sa doubleroun­d eliminatio­n sa tatlong laro.

Nanguna si Kim Dy sa naiskor na 18 puntos para sandigan ang La Salle sa sosyong pangunguna kasama ang National University.

Nag- ambag sina skipper Majoy Baron na may 16 puntos, Aduke Ogunsanya na may 11 at Des Cheng na kumana ng 10 puntos, habang tumipa ang playmaker na si Michelle Cobb ng 49 excellent sets at si libero Dawn Macandili ay may 34 digs at 13 excellent receptions sa larong tumagal sa dalawang oaras at 21 minuto.

“‘Yun naman ang lagi kong sinasabi ko sa mga bata, na hindi porke’t nakakuha tayo ng two sets, ‘yung third set, ‘yun ang sakit natin eh,” pahayag ni La Salle coach Ramil de Jesus.

“Sabi ko nga ‘yung 24 points napakadali­ng kunin, pero ‘yung one point napakahira­p. Lagi kong sinasabi sa kanila ‘yun,” aniya.

Handa na ang La Salle na tapusin ang laro sa third set nang makabanate sa 2422, ngunit nag- error si Dy sa atake at nakaiskor ang FEU sa magkaunod na blocks kay Dy at Ogunsanya, bago naundan ng iskor ni Bernadeth Pons.

Sa fifth set, umabante ang La Salle sa 7-1 at 12-6 at hindi na bumitaw.

Inamin ni De Jesus na dismayado siya sa kabila ng panalo ng 10- time UAAP champion coach.

“Well, andoon eh, pero ‘di mo na kailangan ipakita sa mga players kasi alam mo naman na medyo nada-down sila kapag ganun,” aniya.

Kumubra si Pons ng 21 puntos para sa FEU.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines