Balita

Patay sa ‘Basyang’, 15 na

- Beth Camia at Mike U. Crismundo

Umakyat na sa 15 katao ang naitalang nasawi sa pananalasa ng bagyong “Basyang” sa bansa.

Sa tala ng Surigao del Norte Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO), lima ang naitalang namatay sa mga bayan ng Placer, Alegria at Malimono sa Surigao Del Norte dahil sa baha at landslides.

Lima rin ang nasawi sa Carrascal sa Surigal Del Sur.

Patay din ang dalawangbu­wang sanggol sa landslide sa Albuera, Leyte, at isang 57-anyos na lalaki rin ang nasawi sa Cebu.

Tatlong bangkay naman ang narekober sa Borongan City sa Eastern Samar.

Kaugnay nito, ipinamahag­i na ng Department of Social Welfare and Developmen­t (DSWD) ang P2.8 milyon ayuda sa apat na bayan sa Surigao del Norte na apektado ng bagyo.

Sa pahayag ng DSWD, kabilang sa nakinabang sa ayuda ang Sison, Gigaquit at Mainit sa lalawigan, at ang Carrascal sa Surigao del Sur.

Sinabi pa ng DSWD na halos wala nang maibigay na pagkain ang mga local government unit sa kanilang evacuees kaya humingi na ng tulong ang mga ito sa gobyerno.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines