Balita

HINAGPIS NG NAULILA

- Ni ARIEL FERNANDEZ May ulat ni Tara Yap

Hindi napigilan ni Jessica Demafelis ang mapahagulg­ol habang pinagmamas­dan ang pinaglalag­yan ng bangkay ng kapatid niyang si Joanna Daniela Demafelis pagdating nito sa cargo terminal ng Ninoy Aquino Internatio­nal Airport sa Pasay City mula sa Kuwait, kahapon ng umaga. Natagpuan si Demafelis sa loob ng freezer sa apartment na mahigit isang taon nang inabandona ng kanyang mga amo, matapos siyang patayin ng mga ito.

Umapela kahapon ang ating pamahalaan sa gobyerno ng Kuwait na gawin ang lahat ng hakbangin upang mapanagot ang mga pumatay sa overseas Filipino worker (OFW) na si Joanna Daniela Demafelis, na natagpuan kamakailan sa loob ng freezer sa apartment na mahigit isang taon nang abandonado.

Pinangunah­an ang mga opisyal ng pamahalaan na sumalubong sa labi ni Demafelis kahapon sa Ninoy Aquino Internatio­nal Airport (NAIA) pasado 10:00 ng umaga kahapon, sinabi ni Department of Foreign Affairs (DFA) Secretary Alan Peter Cayetano na nasindak maging ang Kuwaiti government sa sinapit ni Demafelis. WAKE-UP CALL

Ayon kay Cayetano, masyadong tragic ang pagkamatay ng Pinay, subalit isa rin itong wake-up call sa lahat ng ahensiya ng gobyerno sa ibang bansa upang paigtingin ang pagbibigay ng ayuda sa mga OFW.

“We are now working as a one-team approach from the undersecre­tary level down to the director level, down to the people on the ground. We’re putting a system of communicat­ions with our millions of OFWs abroad due to many cases of abuse,” sabi ni Cayetano.

Dumating sakay sa Gulf Air flight GF154 mula sa Kuwait, ang labi ni Demafelis ay sinalubong ng kanyang mga kapatid na sina Jessica at Jojit Demafelis— na kapwa nananawaga­n ng hustisya para sa sinapit ng kaanak.

Pinaghahan­ap pa rin ng Kuwaiti authoritie­s ang amo ni Joanna na si Nader Essam Assaf, isang Lebanese na wanted sa mga kasong may kinalaman sa pamemeke ng tseke. Tinutugis din ang misis ni Assaf na isang Syrian.

Una nang kinumpirma sa mga ulat mula kay Philippine Ambassador to Kuwait Renato Villa na batay sa resulta ng initial autopsy, matagal nang binubugbog si Demafelis at ito rin ang ikinamatay nito—may mga bali ito sa tadyang, maraming sugat at nagkaroon pa ng internal bleeding. NGAYON ANG DATING SA ILOILO

Ibibiyahe ang labi ni Joanna patungo sa kanyang bayan sa Sara, Iloilo ngayong Sabado ng madaling araw.

Nakipag-ugnayan na ang Overseas Workers Welfare Administra­tion (OWWA)-Region 6 sa pamilya Demafelis para sa pagsundo sa labi ng OFW mula sa Iloilo Airport, bandang 5:30 ng umaga ngayong Sabado, ayon kay Shelly Mae Solis, OWWA welfare officer.

Hindi naman sigurado ang OWWA-6 kung personal na bibisita si Pangulong Rodrigo Duterte sa burol ni Joanna.

“I cannot confirm that. But knowing the President, he always visits and sympathize­s and gives his condolence­s to the family,” sabi ni OWWA-6 Director Wilfreda Misterio.

 ?? ALI VICOY ??
ALI VICOY

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines