Balita

HIV sa canned foods galing Thailand, fake news

- Charina Clarisse L. Echaluce

Fake news ang mga balita na ilang de latang pagkain na nagmula sa Thailand ang kontaminad­o ng human immunodefi­ciency virus (HIV), tiniyak ng Food and Drug Administra­tion (FDA) kahapon.

Ayon sa FDA Advisory No. 201829, ginawa ng FDA ang mga paglilinaw kaugnay sa mga kumakalat na balita sa online at text messages na kontaminad­o ng HIV ang mga de latang pagkain na nagmula sa Thailand.

“The Philippine Food and Drug Administra­tion would like to inform the public to be wary of the following circulatin­g unverified, misleading, and false informatio­n online and text messages concerning canned food products from Thailand allegedly not safe for consumptio­n due to contaminat­ion with HIV,” saad dito.

Pinayuhan ng ahensiya ang publiko na huwag i-share ang “fake news” sa kanilang mga pamilya at kaibigan dahil maaaring magresulta lamang ito sa panic at hysteria.

“The public is hereby directed to prevent sharing of unverified, misleading and false informatio­n to avoid undue panic and hysteria,” banggit ng FDA.

Nakasaad sa text message na 200 kataong may HIV ang inatasan ng kanilang lider na lagyan ng kanilang dugo ang canned foods sa isang pabrika sa Thailand.

Ngunit ayon sa FDA, inimpormah­an sila ng Thai Department of Agricultur­e na ang mga nasabing mensahe ay isang panloloko lamang.

“There is no credible evidences to support such accusation,” diin ng FDA.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines