Balita

Vice President may puwesto sa federalism­o

- Ni ARGYLL CYRUS B. GEDUCOS

Tiniyak ng Malacañang na hindi maisasanta­bi ang mga halal na opisyal, partikular na si Vice President Leni Robredo, sa transition government sa oras na matuloy ang isinusulon­g na federalism­o ng administra­syong Duterte. na sa pagtatayo ng posisyon ng Prime Minister, posibleng buburahin ang Office of the Vice President (OVP) sa paglipat sa federal form of government.

Sa panayam kay Andanar ng GMA-7 kahapon ng umaga, sinabi niya na imposiblen­g mapapabaya­an ang OVP sa transitory government dahil ang Vice President ay isang elected official.

“Ako sa palagay ko, certainly ay mayroon pong magiging role ang kasalukuya­ng Vice President sapagka’t hindi naman din puwede na hindi bigyan ng role dahil siya din ay halal ng taong bayan,” ani Andanar.

Nauna nang sinabi ni Bayan Muna chairman Neri Colmenares na mayroong panukala na burahin ang OVP sa ilalim ng draft charter change ng Partido Demokratik­o PilipinoLa­kas ng Bayan (PDP-Laban). Sakaling may mangyari sa Pangulo, mamatay o matanggal sa puwesto, ang Senate President ang magiging next in line.

Ngunit ayon kay PDP-Laban president Senate President Koko Pimentel, mayroon silang dalawang bersiyon ng panukala kung saan buburahin ang OVP, at ang isa ay pananatili­hin ang kanyang puwesto.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines