Balita

R5M naabo sa 2 bodega

- Kate Louise B. Javier

Tinatayang P5 milyon halaga ang naabo matapos masunog ang dalawang warehouse sa Malabon City, nitong Huwebes ng hapon.

Sa pagsisiyas­at ni SFO4 Rogerio Gayon, investigat­ion chief ng Malabon Bureau of Fire Protection (BFP), dakong 5:30 ng hapon nang sumiklab ang apoy sa Las Buenas Building, na pag- aari ni Tierra Fema, na matatagpua­n sa Barangay Potrero.

Sa pahayag sa awtoridad ni Merly Mente, secretary ng Everich Knitting, nakarinig sila ng mga pagsabog mula sa Perma Colour Inc., katabi lang ng kanilang warehouse hanggang sa mabilis na kumalat ang apoy.

Umabot sa Task Force Alpha ang alarma ng sunog bago tuluyang naapula ng mga bombero, bandang 10:33 ng gabi.

Wala namang naiulat na nasaktan o namatay sa insidente.

Inaalam pa ng BFP ang sanhi ng sunog.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines