Balita

Lalaki patay sa bundol ng van

- Mary Ann Santiago

Patay ang isang 19-anyos na lalaki makaraang mabangga ng rumaragasa­ng van sa Maynila, nitong Huwebes ng hapon.

Binawian ng buhay sa Gat Andres Bonifacio Memorial Medical Center ( GABMMC) si Robert Madeja, ng 105 Happyland sa Tondo.

Kakasuhan ng reckless imprudence resulting to homicide at nasa kustodiya ngayon ng Manila District Traffic Enforcemen­t Unit (MDTEU) ang suspek na si Ronald Ramos, 43, ng Templona Street, Malabon City.

Sa imbestigas­yon ni PO2 Ace Gregory Catalan, ng MDTEU, dakong 5: 00 ng hapon nang mangyari ang insidente sa Radial Road 10 malapit sa Capulong Street sa Tondo.

Minamaneho ni Ramos ang van (ADK-4546), nang aksidenten­g mabangga ang tumatawid na biktima.

Kaagad na dinala ang biktima sa pagamutan subalit nalagutan na ito ng hininga.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines