Balita

65-anyos na beautician kinatay

- Alexandria Dennise San Juan

Tadtad ng saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan at wala nang buhay nang madiskubre ang isang 65-anyos na beautician sa loob ng kanyang kuwarto sa Quezon City, nitong Huwebes ng umaga.

Kinilala ng mga imbestigad­or ng Quezon City Police District (QCPD) ang biktimang si Timoteo Driz, alyas “Mamita”, at residente ng Barangay Bagong Pag-asa sa naturang lungsod.

Si Driz ay nagtatraba­ho bilang beautician ng isang salon sa tapat ng nirerentah­an niyang kuwarto sa Garcia Street, Sitio San Roque 2.

Sa pahayag ni Evelyn Masanay, may-ari ng salon, nagtungo siya sa silid ng biktima dakong 11:00 ng umaga upang gisingin ito hanggang dito tumambad ang duguang bangkay ni Driz.

Narekober ng mga pulis sa loob ng kuwarto ang isang duguang kutsilyo, at isang bukas na pakete ng umano’y shabu.

Inaalam pa ng pulisya kung kabilang si Driz sa drugs watch list ng barangay, at kung sino ang huling kasama nito.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines