Balita

5 ‘tulak’ arestado sa buy-bust

- Fer Taboy

Limang hinihinala­ng drug pusher, kabilang ang isang high- value target ( HVT), ang naaresto ng pulisya at ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcemen­t Agency (PDEA) sa magkakahiw­alay na operasyon sa Southern Tagalog at Metro Manila, kahapon.

Unang naaresto ang dalawang umano’y tulak ng droga na sina Jeffrey Laurel Galicia at Jeshua Apao Rodrigo, kapwa nasa hustong gulang, sa buy- bust operation ng Sta. Rosa City Police sa Barangay Tagapo, Sta. Rosa City, Laguna.

Nadakip naman ng mga tauhan ng PDEA sa Upper Manalite 1, Bgy. Sta. Cruz ang high- value target ng Antipolo City, Rizal na si Rey Espaniola, sa bisa ng warrant of arrest.

Samantala, nalambat din ng awtoridad sa buy-bust operation sa Bgy. Sta. Ana sa Pateros ang dalawang hinihinala­ng drug pusher na sina Alberto Cecilio at Ricky Lacson, kapwa nasa hustong edad, habang nakatakas naman ang umano’y HVT na si Betty Ofiana, na target ng operasyon.

Narekober umano ng mga pulis ang isang plastic sachet na naglalaman ng umano’y shabu at buy-bust money.

Tinutugis na ng mga awtoridad si Ofiana, habang kakasuhan ang limang nadakip sa paglabag sa Comprehens­ive Dangerous Drugs Act of 2002 (RA 9165).

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines