Balita

U-Hop suspendido sa Batangas

- Lyka Manalo

BATANGAS CITY, Batangas – Pansamanta­lang sinuspinde ng Batangas City government ang operasyon ng transport network vehicle services (TNVS) na U-Hop dahil umano sa kawalan nito ng prangkisa sa Land Transporta­tion, Franchisin­g and Regulatory Board (LTFRB).

Sa kautusan, idinahilan din ng Sanggunian­g Panlungsod (SP) na nakabimbin na renewal ng business permit nito sa lungsod.

Binanggit naman ni SP member Oliver Macatangay, chairman ng Committee on Transporta­tion, na ginawa lamang nila ang nararapat na hakbang laban sa naturang ridesharin­g shuttle service, matapos nilang matuklasan na wala itong prangkisa o Certificat­e of Public Convenienc­e mula sa LTFRB.

Pormal na, aniya, nilang isinilbi ang suspension order sa kumpanya, na may tanggapan sa Grand Terminal sa Barangay Alangilan, Batangas City.

Kaugnay nito, kinumpirma na ng kumpanya na itinigil muna nito ang operasyon hanggang hindi pa nakakukuha ng prangkisa mula sa LTFRB.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines