Balita

9 na menor na-rescue sa ‘trafficker­s’

- Liezle Basa Iñigo

Siyam na menor de edad ng na-rescue mula sa prostitusy­on sa operasyon ng nagsanib-puwersang Davao City Police Office, Santiago City Police Office, at Department of Social Welfare and Developmen­t (DSWD)-Region 2 sa isang bar sa Purok 5, Barangay Mabini sa Santiago City, Isabela.

Inaresto rin ng pulisya ang sinasabing mga sangkot sa nasabing ilegal na gawain na sina Afredo Placa, 44, tubong Cubao, Quezon City; Janeth Suazo, 38, tubong Tandag City, Surigao del Sur; at Enriqueta Mendoza, 50, tubong Cordon, Isabela.

Batay sa police report, bandang 10:45 ng gabi nitong Miyerkules nang ikasa ng mga awtoridad ang raid batay sa reklamo ng mga magulang ng mga biktima laban kay Placa.

Ayon sa reklamo, puwersahan umanong dinala ni Placa ang mga menor de edad sa Santiago City para magtrabaho.

Sa raid, nakumpiska­han pa umano ang mga suspek ng dalawang pakete na hinihinala­ng shabu.

Pansamanta­lang nasa kustodiya ng DSWD ang mga biktima.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines