Balita

‘Pusher’ huli sa buy-bust

- Leandro A. Alborote

VICTORIA, Tarlac - Hindi nakalusot sa pulisya ang isang umano’y drug pusher nang maaresto ito sa isang anti-drugs operation sa Victoria, Tarlac, nitong Huwebes ng hapon.

Nakapiit ngayon sa Victoria Police si Anthony Mariano, 32, may asawa, ng Sitio Almendras, Barangay Capulong.

Narekober umano sa kanya ang isang transparen­t plastic sachet na naglalaman ng hinihinala­ang ipinagbaba­wal na gamot.

Si Mariano ay nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Comprehens­ive Dangerous Drugs Act (RA 9165).

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines