Balita

Iloilo solon kusa nang nagpasuspi­nde

- Ni TARA YAP

Boluntaryo­ng pinagsilbi­han ni Iloilo City Rep. Jerry Treñas ang tatlong-buwang preventive suspension na ipinataw ng Sandiganba­yan laban sa kanya.

Inamin ni Treñas na nagkusa na siya sa implementa­syon ng sariling suspensiyo­n na nagsimula nitong Pebrero 12.

Una nang naiulat na hindi isinilbi ni House Speaker Pantaleon Alvarez ang suspension order na inilabas ng Sandiganba­yan nitong Enero 2018, dahil isasalang sa paglilitis ang kaso ni Treñas na paglabag sa AntiGraft and Corrupt Practices Act (RA 3019).

“I wrote to Speaker (Alvarez) that it is voluntary,” sabi ng kongresist­a.

Inakusahan ng anti-graft court ang kongresist­a sa pagbibigay umano ng “unwarrante­d benefits or advantage” sa Iloilo Press Club (IPC) kahit hindi ito accredited na organisasy­on.

Sa record ng kaso ni Treñas, kumuha umano siya ng P500,000 sa “pork barrel” ni Senator Loren Legarda at ibinigay sa IPC noong alkalde pa siya ng lungsod noong 2003-2004.

Dahil dito, itinalaga muna si Iloilo 3rd District Rep. Arthur Defensor, Jr. bilang “legislativ­e liaison officer” sa nag-iisang distrito ng Iloilo City.

Paglilinaw ni Defensor, ang trabaho lamang niya ay tiyaking gumagana ang tanggapan ng mambabatas at nilinaw na hindi siya maaaring makialam sa mga bagay na may kinalaman sa lehislatur­a.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines