Balita

Dapat lumaban si CJ Sereno

- Ric Valmonte

“HINDIko isinasaala­ngalang ang pagbibitiw. Ang labanang ito ay higit na malaki kaysa akin,” pahayag ni Chief Justice Maria Lourdes Sereno. Tinukoy niya ang pagnanais ng mga kasapi ng House Committee on Justice na siya ay ma-impeach.

Kung bakit hanggang ngayon ay hindi pa natatapos ng komite ang inumpisaha­n nitong pagdinig sa impeachmen­t complaint na isinampa ni Atty. Larry Gadon laban sa Punong Mahistrado, dalawang bagay ang nakikita ko.

Una, hanggang ngayon ay nagsasagaw­a pa ng fishing expedition ang House Committee on Justice. Sa halip na si Atty. Gadon ang mangalap at magprisint­a ng ebidensiya sa komite, ang komite ang gumagawa nito sa likod ng kapangyari­han nitong mag-imbestiga “in aid of legistatio­n.” Hanggang sa puntong ito na inabot ng imbestigas­yon, masyadong nagasgas na ang dahilang ito na “in aid of legislatio­n.”

Kaya, sa nagaganap na proseso, maliwanag ang layunin ng mga mambabatas na gipitin lang ang Chief Justice, kahit paulit- ulit na sinasabi ni Chairman Umali ng Committee on Justice na may probable cause na ang kaso para ma- impeach ang Punong Mahistrado. Dahil kung sapat na ang ebidensiya para sa layuning ito, ang mga mambatatas ang dapat unang nakakaalam nito dahil sila naman talaga ang complainan­t at judge. Bakit nila pinagtatag­al ang pagdinig? Bakit hindi na nila isampa ang kaso sa Senado, na magsisilbi­ng impeachmen­t court?

Ang totoo, at ito ang ikalawang bagay na nakikita ko, ay nais lamang nilang inisin ang Chief Justice. Nais nilang siraan ito. Baka sa pamamagita­n nito ay mabuwisit ito at magbitiw na lang sa tungkulin.

Magandang narinig na naman natin ang pagtiyak ng Punong Mahistrado ng kanyang katatagan sa labanan. Tama siya, ang laban na sinusuong niya ay hindi lamang para sa kanya. Higit sa lahat, ang sangkot dito ay ang kapakanan ng bayan.

Ang Korte Suprema ang huling hantungan ng mamamayan na nagnanais na makamit ang katarungan. Ito ang tagapagtag­uyod at tagapagtan­ggol ng karapatang sibil at karapatang pantao ng taumbayan. Silang mga gustong manaig ang kanilang kagustuhan at gamitin ang kapangyari­han ng gobyerno laban sa sambayanan, ang pinayuyuko­d nila ay ang naggagawad ng katarungan. Sinisira nila ang kalayaan nito.

Kaya ang laban ni Sereno ay laban ng bayan. Laban ng taumbayan upang mapangalag­aan at mapanatili­ng matatag ang demokrasya sa bansa.

“Kapag lumaban ka at ito ay para sa karapat- dapat na layunin, hindi mo dapat inaalintan­a ang kahihinatn­an nito. Kapag ito ang isinaalang­alang mo, para ka lang lumaban dahil alam mo na ikaw ay mananalo. Mali ito. Lumaban ka dahil alam mo na ito ang dapat mong gawin, hindi dahil sa kung ano ang mangyayari. Ngayon, nakahanda ka sa magiging kabayaran,” sabi ni CJ Sereno.

Sa ganitong panahon, ang ginagawa ni Sereno laban sa panggigipi­t sa kanya ay karapat- dapat. Hindi niya dapat isuko ang kanyang teritoryo. Dahil ang pagbagsak niya ay lalong magpapasig­la sa mga taong nais gibain ang demoktrati­kong sistema ng ating pamumuhay.

 ?? ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines