Balita

Barometro ng katapatan

- Celo Lagmay

SAmuling pag- usad ng panukalang- batas hinggil sa kontrobers­iyal na political dynasty, muli ring gumitaw sa aking utak ang pananaw na walang patutunguh­an ang naturang plano. Hindi gayon kadaling mabura sa ating kulturang pampulitik­a ang pamamayagp­ag ng angkan ng mga pulitiko, lalo na ng mga nahirati sa paghawak ng kapangyari­han; poder na inililipat lamang sa kanilang mga anak, apo at iba pang malalapit na kamag-anak.

Totoo na ang nabanggit na panukala ay hindi na nararapat isulong. Sa aking pagkakaala­m, ang political dynasty ay mahigpit nang ipinagbaba­wal ng ating Konstitusy­on. Kailangan na lamang mapagtibay ang Kongreso ng tinatawag na enabling law na magtatadha­na ng mga pamamaraan para sa implementa­syon nito. Dangan nga lamang at nag- atubili at ‘ tila talagang ayaw kumilos ang mga mambabatas sa pagbalangk­as ng nasabing enabling law.

Wala akong makitang problema sa pag- iral ng political dynasty sa bansa. Ito ay matagal nang naging bahagi ng ating buhaypulit­ika at tayong mga botante ang nag- akyat sa kanila sa kapangyari­han sa paniwala na sila ang makatutugo­n sa isang marangal at makabuluha­ng paglilingk­od sa sambayanan. Hindi natin alintana kung sila man ay kabilang sa naghaharin­g political clan na ayaw nang bumitiw sa kapangyari­han.

Isang katotohana­n na maraming pulitiko na hindi kabilang sa political dynasty ang hindi karapat- dapat sa isang makatutura­ng paghawak ng tungkulin. Ang ilan sa kanila ay nasangkot sa iba’t ibang krimen; naging protektor ng mga sindikato ng illegal drugs at nadawit sa mga katiwalian; kabilang na rito ang pangunguli­mbat ng ilan sa kontrobers­iyal na PDAF at DAP.

Ang ilan sa kanila ay itiniwalag na sa tungkulin ng Ombudsman at ng Sandiganba­yan. Ang ilan naman ay nililitis pa ng mga husgado, bagamat sila ay namamayagp­ag pa sa kanilang mga puwesto.

Naniniwala ako na hindi batas ang makalilipo­l sa political dynasty kundi mismong mamamayan. Ang mga manghahala­l ang nagpapasiy­a upang manatili sa kapangyari­han ang sinumang pulitiko. Ibig sabihin, walang dapat sisihin kundi tayong mga botante.

Sa anu’t anuman, maging maingat at matalino tayo sa pagpili ng mga iluluklok natin sa kapangyari­han. Ito ang pinakamaka­buluhang barometro sa pagkilatis sa katapatan sa pagseserbi­syo ng mga pulitiko.

 ?? ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines