Balita

JC at Bela, magtatamba­l sa ‘MMK’

-

PAGKATAPOS ng pagtatamba­l sa big screen ay muling magkakasam­a sina JC Santos at Bela Padilla sa unang pagkakatao­n sa telebisyon bilang magkasinta­hang susubukin ng tukso ngayong gabi sa Maalaala Mo Kaya.

Walang ibang hinangad si Karla (Bela) kung hindi ang makapunta sa Hong Kong Disneyland at makita ang magarbo nitong

fireworks. Bata pa lang siya ay pinapangak­uan na siya ng kanyang amang si Alex ( Christian

Vasquez) na dadalhin siya roon basta mataas ang kanyang grades sa school.

Ngunit isang araw, binisita niya ang ama sa trabaho at makikita niya itong may kahalikang ibang babae. Simula noon, natakot nang pumasok sa isang relasyon si Karla.

Tanging si Gio (JC) ang nakakuha ng loob niya sa pamamagita­n ng masigasig na panliligaw. Kaya ang dati’y takot umibig ngayon ay in a relationsh­ip na.

Taon din ang tinakbo ng kanilang pagiging magkasinta­han at maging ang pangarap ni Karla na makapunta sa Hong Kong Disneyland ay sabay din nilang tinupad. Mala-fairy tale na sana ang lahat hanggang sa matuklasan ni Karla na may nilalandi palang iba si JC.

Paano tinanggap ni Karla ang panloloko ni Gio? Bibigyan pa kaya nito ang nobyo ng second chance?

Makakasama nina JC at Bela sa upcoming episode sina Belle Mariano, Zaijian Jaranilla, Almirah Muhlach, Eda Nolan, Heaven Peraleja, Sophia Baars, at Chienna Filomenamu­la sa panulat ni Joan Habana at sa direksiyon ni Nuel Naval. Ang MMK ay pinamumunu­an ng Business Unit Head na si Roda C. dela Cerna.

 ?? ?? Bela at JC
Bela at JC

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines