Balita

PAGDILA SA APOY

- NI LEONARDO T. BULURAN

Ika-72 labas

NILALAPAST­ANGAN

ng kamay ng floor manager ang pagkababae ni Lagring. Sumisigaw ang kanyang dangal. Dinuduhapa­ng ang kanyang puri.

Pero sumisigaw din ang kanyang sikmura. Masakit mamatay sa gutom! Ang nasirang dangal ay naitatago. Ang namamatay sa gutom ay inuuod. Umaamoy!

A, may pagkakatao­n palang mas malakas ang sigaw ng sikmura kaysa tili ng dangal.

“Wala kang dapat itago o ikahiya,” sabi ng floor manager habang patuloy ang sipag ng kamay. “Magaganda ang mga bagay na dapat mong ipagyabang. Mga kasangkapa­n mo ito sa pagyaman.”

Napapariin ang kanyang pikit. Napapakaga­t-labi.

“Ituring mo na lang ako na una mong customer. Para sa kaalaman mo, iha, mababait ang mga customer, kung mabait ka rin. Papalitan nila ng salapi ang pagiging mabait mo, alam mo ba ‘yun?”

Hindi siya kumibo. Napapariin ang kanyang pikit. napapariin din ang kanyang kagat-labi. Nagdurugo na yata iyon!

Pagkuwan, naramdaman ni Lagring, tumigil na yata ang kamay ng floor manager. Napagod ba? Dumilat siya. Sa loob niya: Natapos din ang kanyang trahedyang pisikal.

Pero ganoon na lang ang gulat niya nang makita niyang aktong isinasara ng floor manager ang pinto ng opisina. At nakangisin­g nakaharap ito ngayon sa kanya.

“B-bakit ho?” nagawa niyang itanong.

Hindi kumibo ang floor manager. Nagsimula itong maghubad. “A-ano ang ginagawa n’yo, sir?” “Bulag ka ba? Hindi mo ba nakikitang naghuhubad ako?” “B-bakit po kayo naghuhubad?” “Talaga bang tanga ka, babae ka…o nagtatanga-tangahan lang?” “K-kasi po…kuwan…ano…” “Okey. Makikiloko ako sa ‘yo. Magpapaliw­anag ako.”

Hindi na matingnan ni Lagring ang lalaki. Kasi huling saplot na lang ang suot nito at hubad na hubad ito.

“Para sa kaalaman mo, babae, ano ngang pangalan mo?” “Lagring po.” “Para sa kaalaman mo, Lag… Lagring ba? Nasa kamay ko ang kapalaran ng kung sino mang pumapasok sa beerhouse na ito.”

Hindi agad dinugtunga­n ni floor manager ang sinasabi. Pero hindi siya nagtanong. Halos ay alam na niya ang mga iba pang sasabihin ng floor manager.

“Kung gusto kitang gawing star,” patuloy ang floor manager. “Kaagad o kahit superstar pa, magagawa ko. At ibig sabihin no’n…yayaman ka! Yayaman ka!”

Dumikit sa mga mata ni Lagring. Yayaman ka! ‘Di ba nga kaya nilayasan niya ang Mauwak ay para hanapin ang yamang ipinangako ng demonyiton­g Reneeng ‘yon na hindi naman natupad.

Ang demonyo, hayup, bakulaw, impaktong Pedring! Dapat, wala ako sa opisinang ito!

Naririnig na naman ni Lagring ang sinasabi ng floor manager: “Baka hindi mo alam kung gaano kalaki ang kinikita ng mga dancer ko rito. Hindi sikat ‘yon. Hindi superstar ‘yon, tulad ng plano ko sa ‘yo. Baka hindi mo mabilang ang salaping darating sa palad mo ‘pag superstar dancer ka na.”

Gaganti ako sa ‘yo, hayup kang Pedring ka! Ang katawang ito na pinagpapak­amatayan mo ay ibebenta ko na. Ibebenta kooo!

Nagpatuloy ang floor manager: “’Pag sikat ka na, darating sa ‘yo ang napakalaki­ng kapalaran. May magbabahay sa ‘yo. Mahihiga ka sa kuwarta. O baka pakasalan ka pa. Alam mo bang ang lahat ng lalaking nagpupunta rito ay nagtatapon ng pera?” Itutuloy...

 ?? ??
 ?? ?? R.V. VILLANUEVA
R.V. VILLANUEVA

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines