Balita

Antonio, 2018 World Slasher Cup champ

-

PORMAL na itinanghal na kampeon si Rep. Patrick Antonio sa 2018 World Slasher Cup sa ginanap na awarding ceremony ng Pintakasi of Champions nitong Huwebes sa Novotel Manila-Araneta Center.

Kabilang sa nagbigay ng pagbati kay Antonio ang mga organizer ng WSC, mga opisyal ng Uniprom Inc. at mga kandidata ng 2017 Binibining Pilipinas.

Nanaig ang panlaban ni Antonio na Sagupaan B-50 Forten/Hammer PA & Inguel laban sa 300 local at foreign participan­ts sa derby na itinataguy­od ng B-Meg, Thunderbir­d, Petron, Excellence Poultry & Livestock Specialist­s, at Warhawk, sa pakikipagt­ulungan ng PitGames Media, Inc.

Nakopo niya ang kabuuang 8.5 puntos sa pahirapang 88-fight Grand Finals. Ito ang ikalawang kampeonato ni Antonio na may iskor na 8 puntos.

“This time I was fortunate enough to bag (my) seventh (WSC) championsh­ip,” pahayag ni Antonio.

Iginiit ni Antonio na impresibo ang matching na ginawa ng WSC Derby Officers.

“Maririnig ninyo ang mga usapan ng mga sabungero sa labas, ‘Mas may laban tayo kung sa Araneta tayo pupunta,” aniya.

Aniya, mananatili siya sa paglahok sa World Slasher Cup dahil namimintin­a ang tapat at pantay na labanan.

’Yung may-ari, laban sa lahat,”aniya. “That’s one of the reasons I stayed on (and continued to) participat­e in the World Slasher Cup.”

Kabilang sa mga dikit kay Antonio na may 8 punto sina Biboy Enriquez (Firebird 2); Arnold Mendoza (Legacy LSU); WSC 2017 solo champ Frank Berin/Danny Buldog (Bulldog Feb 9); Henry Teves (Tiffany); newbie Rey Canedo ng Davao at ksanggang sina Chris Sioson at PitGames CEO Manny Berbano (RC Warriors & Chris Purple).

Umiskor naman ng 7 puntos ang Team Alcala ng Quezon at Rico Abliter, Ito Ynarez, Vergil Intino, Max Benedicto, Jojo Alcovendaz, Cholo Violago, Vice Marasigan, at Biboy Enriquez (Firebird 1).

Inaasahan ang mas maraming lahok sa pagpalo ng World Slasher Cup 2 sa Mayo 6-12.

Para sa karagdagan­g impormasyo­n, bisitahin ang @WorldSlash­erCupOffic­ial page sa Facebook, at www. worldslash­ercup.ph. Maaari ring makipag-ugnayan sa Derby Office sa 588-4000 local 8227 at 911-2928.

 ?? ?? TANGAN ni Patrick Antonio (kanan) ang tropeo matapos magkampeon sa World Slasher Cup kasama ang anak na si Tony Antonio.
TANGAN ni Patrick Antonio (kanan) ang tropeo matapos magkampeon sa World Slasher Cup kasama ang anak na si Tony Antonio.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines