Balita

Ateneo booters, umarya sa UAAP tilt

-

Mga Laro Bukas (Rizal Memorial Stadium) 9:00 n.u. -- NU vs AdU (Men) 1:30 n.h. -- FEU vs UP (Men) 4:00 n.h. -- UST vs Ateneo (Men)

NAUNGUSAN ng defending champion Ateneo ang De La Salle, 2- 1, sa UAAP Season 80 men’s football tournament kahapon sa Rizal Memorial Stadium.

Naitala ni reigning MVP Jarvey Gayoso ang dalawang goal para sa Blue Eagles tungo sa ikalawang sunod na panalo matapos ang nakadidism­ayang kabiguan sa season-opening.

Naisalpak ni Gayoso ang unang goal sa kahanga-hangang opensa sa ika-50 minuto ng laro. Nasundan niya ito sa ika-66 minuto. Naitala ni Gayoso ang ikatlong goal ngayong season.

Nakaiwas ang Green Archers sa pagkabokya nang makaiskor si substitute Mauro Acot sa ika-83 minuto ng laro.

Tangan ang anim na puntos, sumosyo ang Eagles sa Archers, nabigo sa unang pagkakatao­n matapos ang impresibon­g 2- 0 simula.

Ginapi naman ng University of the Philippine­s ang Adamson, 4-1, para makopo ang solong liderato matapos ang goalless draw sa pagitan ng University of Santo Tomas at National University. Tangan ng Fighting Maroons ang siyam na puntos.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines