Balita

Adamson softbelles, angat sa Lady Warriors

- Marivic Awitan

NAKABAWI ang reigning seven-time champion Adamson University buhat sa mabagal nilang panimula upang magapi ang University of the East ,14-4 at makumpleto ang first round sweep ng UAAP Season 80 softball tournament nitong Huwebes sa Rizal Memorial Baseball Stadium.

Hinalinhan ang starting pitcher na si Princess Jurado matapos ang third inning, hindi pinaiskor ni Lyca Basa ang Lady Warriors sa huling apat na innings upang mapanatili­ng walang talo ang Lady Falcons pagkaraan ng anim na laro.

Nagawa ring maka-struck out ni Basa ng pitong UE batters.

Naitala rin ni Jeanette Rusia sa nasabing panalo ang kanyang ikatlong homerun ngayong season,habang gumawa naman si Flor Pabiania ng apat na RBIs.

Sa iba pang mga laro, tinalo ng University of Santo Tomas ang De La Salle, 7-0, sa loob ng anim na innings upang tumapos sa first round na may markang 4- 2 habang inungusan naman ng University of the Philippine­s ang National University, 3-2, sa extra innings.

Tumapos ang Lady Maroons na kasalo ng Lady Warriors at ng Lady Bulldogs na may patas na barahang 3-3 kasunod ang La Salle Lady Batters na may 2-4 na kartada.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines